Lumabas sa resulta ng medico legal report mula sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, na nasawi sa natural causes ang flight attendant na si Christine Dacera na namatay sa isang hotel sa Makati noong bisperas ng Bagong Taon.
Ayon sa report na may petsang Enero 11 na isinumite sa Makati prosecutor, nasawi si Dacera sa ruptured aortic aneurysm na nagmula sa pagtaas ng blood pressure.
Habang nakasaad din na hindi sanhi ng aneurysm ang rape o drug overdose.
Dagdag pa sa medico legal report, ang “dilatation o aneurysm” sa aorta ni Dacera ay isang “chronic condition” na posibleng matagal nang nagsimula na dahilan ng kaniyang pagkasawi.
Kung sakali namang may makitang droga o alcohol sa katawan ni Dacera, ipinaliwanag din sa report na posibleng sanhi ito ng pagtaas ng blood pressure ng dalaga na naging dahilan ng kaniyang chronic hypertension.