Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines na narecover na rin ang Flight Data Recorder (FDR) ng bumagsak na medical evacuation plane RP-C5880 ng Lionair Inc. na bumagsak sa NAIA noong Linggo ng gabi kung saan walo katao ang nasawi.
Ang flight data recorder ang siyang nagre-record sa specific aircraft performance parameters at nagko-kolekta at nagrerecord ng data mula sa sensors ng eroplano.
Unang na-recover ang Cockpit Voice Recorder (CVR) ng eroplano.
Ang cockpit voice recorder ang siyamg nagre-record ng audio environment ng flight deck ng aircraft.
Ang ilang bahagi naman ng eroplano ay inilagay muna sa hangar sa NAIA Complex habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Facebook Comments