Nagdadalamhati ngayon ang mga taga Brgy. Dinganen Buldon, Maguindanao sa di napapanahong pagpanaw ng kanilang kababayang si Edmark Agravante Jael na kabilang sa sakay ng bumagsak na Lion Air West Wind Air Ambulance.
Halos di rin aniya makapaniwala ngayon ang mga kaanak, kaibigan at kabaranggay ni Jael sa sinapit nito ayon pa kay Brgy. Dinganen/ABC President Rufo Capada.
Sinasabing inulila ng 23 anyos na Flight Mechanic ang kanyang ama na isang magsasaka, ina na isang guro at ate nito.
Pinaghahandaan na rin ng kanyang pamilya at kabaranggay ang pagdating ng mga labi ni Jael sa Dinganen.
Bago paman ang pangyayari nakapagtext pa si Jael sa kanyang mga magulang kaugnay sa kanilang ginagawang paghahatid ng mga Medical Supplies kasabay ng krisis na hatid ng Corona Virus 2019.
Itinuturing namang isang Bayani ng kanyang mga Kabaranggay sa Dinganen si Edmark dahil kahit sa kanyang huling sandali , patuloy na inalay nito ang serbisyo para sa taumbayan kapalit man ang kanyang buhay.
Kabilang si Jael sa mga pumanaw ng bumagsak ang eroplano sa NAIA mag aalas otso kagabi.
Pic From Edmarks FB