Malaysia – Nagbitiw sa puwesto ang Civil Aviation Chief ng Malaysia matapos na mabigo na maresolba ang milagrong pagkawala ng flight MH370 noong 2014.
Kasunod nito, inako ni Civil Aviation Head Azharuddin Abdul Rahman ang mga naganap na pagkukulang.
Ilan sa mga dito ay ang pagkaantala ng pagbibigay ng alert sa mga otoridad.
Umabot pa kasi sa 20 minuto ang lumipas bago magbigay sila ng alerto sa mga otoridad.
Magugunitang milagrong nawala ang nasabing eroplano noong March 8, 2014 na lulan ng 239 tao.
Tinapos na ng mga otoridad ang paghahanap noong Mayo pagkalipas ng mahigit na apat na taon.
Facebook Comments