Sinuspinde ng Hong Kong ng dalawang linggo ang paglapag sa kanila ng eroplano ng Cebu Pacific mula Pilipinas.
Kasunod ito ng pagpositibo ng 4 na pasahero ng CebuPac sa loob ng isang linggo.
Partikular na nagpositibo ang 4 na Pinoy domestic workers na sakay ng magkahiwalay na flight.
Base kasi sa polisiya ng Hong Kong, kapag ang isang airline ay nakapagsakay sa loob ng isang linggo na mahigit apat na pasaherong nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa airport doon, isususpinde ang flights nito sa loob ng 2 linggo.
Mananatiling suspendido ang flight ng CebuPac sa Hong Kong hanggang sa January 12, 2022.
Facebook Comments