Indonesia – Nagpatupad na ng rerouting ang ilang flights matapos itaas sa alert level 3 ang pag-aalburuto ng ‘Anak Krakatau’ volcano sa Indonesia.
Base sa abiso ng disaster mitigation agency, nasa 5-kilometer exclusion zone ang kanilang ipinatupad.
Ibig sabihin, ang dalawang kilometrong itinakdang danger zone ay lumawak na sa limang kilometro.
Sa ngayon, aabot na sa 25 mga flights ang naapektuhan dahil sa pagbago ng ruta kabilang na ang mga biyaheng Australia, Singapore at Middle East.
Facebook Comments