Flight suspension mula UK, suportado ng DOT

Suportado ng Department of Tourism (DOT) ang hakbang ng pamahalaan na suspendihin ang flights na manggagaling ng United Kingdom simula ngayong araw hanggang December 31 dahil sa bagong uri ng coronavirus na kumakalat sa Europe.

Matatandaang inanunsyo ng Malacañang na ang lahat ng pasaherong manggagaling sa UK ay hindi muna maaaring pumasok sa bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tinitiyak lamang ng Inter-Agency Task Force (IATF) na uunahin ang public health at safety.


Mahigpit ding nire-review ng IATF ang restriction sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.

Bukod sa Pilipinas, ang mga bansang nagpatupad ng travel ban sa UK ay Italy, Canada, Switzerland, Turkey, at Germany.

Facebook Comments