Japan – Nasa Japan na ang singer na si John Legend at asawa nitong model na si Chrissy Teigen matapos magkaroon ng problema sa kanilang flights mula Los Angeles.
Nabatid kasi na ang All Nippon Airways (ANA) ay napilitang bumalik matapos na madiskubre na may mga pasahero ang nagkamali ng sinakyang eroplano.
Nagsagawa ng tila pagdokumento ang model sa pangyayari kung saan dahil na rin sa insidente ay napilitang magdiwang ng kaniyang ika-39 kaarawan on-air ang singer.
Napagdesisyunan din nilang mag-asawa na manatili na lamang sa Tokyo matapos mabigong hindi nila maabutan ang kanilang connecting flight sa Nagoya.
Facebook Comments