Tumaas na sa 3,000 kada araw ang flights ng mga repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs, na mula sa 2,000 OFWs kada araw ay tumaas na sa 3,000 distressed OFWs ang napapauwi sa bansa.
Magkagayunman, tuwing Lunes, Huwebes at Sabado pa rin ang schedule ng repatriation ng mga overseas workers.
Bukod sa Middle East ay malaking hamon din sa kanila ngayon ang pagpapauwi sa mga OFW na mula sa China at Uzbekistan.
Ayon kay Arriola, kinakailangan nilang ipunin sa Guangzhou ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang bahagi ng China bago mapauwi sa bansa.
Samantala, wala namang embahada ng Pilipinas sa Uzbekistan kaya nakikisuyo sa embahada ng bansa sa Tehran, Iran para maisabay sa pag-uwi ang mga OFW.
Malaking problema naman dito ang lockdown dahil hindi pinapatawid sa Iran ang mga mula sa Uzbekistan.