Flights ng Cebu Pacific at Cebgo, mananatiling kanselado hanggang May 31, 2020

Inanunsyo ng Cebu Pacific at Cebgo na mananatiling kanselado ang kanilang domestic at international flights mula May 16 hanggang May 31, 2020.

Kaugnay pa rin ito ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Pinapayuhan naman ng Cebu Pacific at Cebgo ang kanilang mga pasahero na bisitahin lamang ang kanilang website para sa rebooking nang libre.


Para naman sa full refund, nilinaw ng CebuPac at Cebgo na magsisimula ang kanilang pagproseso sa sandaling maalis na ang community quarantine at maibalik na ang regular work schedules.

Gayunman, dahil anila sa malaking volume ng requests para sa refunds, ang proseso ay tatagal ng tatlo hanggang apat na billing cycles.

Facebook Comments