Tuloy ang flights ng Philippine Airlines (PAL) sa Hong Kong sa kabila ng na-detect doon na kaso ng Omicron variant ng Coronavirus.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, tuwing Miyerkules, Huwebes at Biyernes ang Manila-Hong Kong Manila flights ng PAL.
Kahapon, nilinaw ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na papayagan pa rin ang inbound Hong Kong flights o biyahe ng mga eroplano papasok ng Pilipinas mula Hong Kong.
Ito ay dahil sa hindi naman kasama ang Hong Kong sa travel ban ng Pilipinas laban sa mga bansang may kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Una na ring nabahala ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong na hindi sila makauwi ng Pilipinas ngayong holiday season dahil sa posibleng travel ng Pilipinas.
Facebook Comments