Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala pang katiyakan ang biyahe ng mga eroplano palabas ng Lebanon.
Ito ay dahil sa wala pang malalaking airlines ang naglalakas ng loob na magbalik ng operasyon sa Lebanon.
Sa harap ito ng tumitinding pambobomba ng Israel sa Lebanon.
Una nang kinumpirma ng DMW na hindi matutuloy ang nakatakdang pag-uwi sa bansa ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon.
Kabilang sa stranded ngayon sa Beirut ang isang OFW na may medical condition.
Pahirapan din ang pagproseso sa exit clearances ng Pinoy repatriates dahil sarado ang ilang tanggapan ng gobyerno sa Lebanon.
Facebook Comments