Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na nararanasan na ngayon sa Basco, Tuguegarao, at Cauayan airports ang malakas na hangin na may kasamang pagbuhos ng ulan.
Bunga ito ng pagtama ng Bagyong Marce sa Northern Luzon.
Bunga nito, kanselado na ang flights patungong Tuguegarao, Cauayan at Basco.
Mahigit 200 namang mga pasahero ang apektado ng flight cancellations.
Tiniyak naman ng CAAP na nananatiling operational ang Basco, Tuguegarao, at Cauayan airports bagama’t kanselado ngayon ang commercial flights patungo sa nasabing mga lugar.
Facebook Comments