Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanselado pa rin ang flights ngayong araw patungong Hilagang Luzon dahil sa Bagyong Marce.
Kabilang sa mga kanselado ang flights patungong Tuguegarao, Cauayan, Basco ,Laoag at Palanan.
Ayon sa CAAP, sa Cauayan Airport, hindi lamang ang commercial flights ang kanselado, kundi maging ang non-scheduled flights sa coastal areas.
Mahigit limang daan naman ang mga pasaherong apektado bagama’t wala namang stranded passengers.
Inanunsyo rin ng CAAP na hanggang bukas mananatiling kanselado ang flights patungong Northern Luzon.
Mahigit isang libo naman ang mga pasaherong apektado ng flight cancellations bukas.
Facebook Comments