Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pansamantalang pagsuspinde ng Batanes Basco Airport sa general aviation flights nito ngayong araw.
Kasunod ito ng pagtama ng Bagyong Jenny sa Batanes.
Pero bago ang suspensyon ng flights sa Basco ay nakapaglanding at take-off pa ang eroplano ng PAL Express kaninang umaga.
Nakikipag-ugnayan na ang Basco Airport management sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) hinggil sa mga susunod na hakbang.
Facebook Comments