CAUAYAN CITY- Pansamantalang sinuspende lahat ng flights sa Cauayan Airport matapos sumailalim sa signal no. 1 ang lalawigan ng Isabela dulot ni Bagyong Kristine.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay PCapt. Eduard Caballero, Chief ng Cauayan Aviation Police Station, kinansela ang coastal flights noong ika-21 ng Oktubre habang kanselado naman ang domestic flight ngayong araw.
Aniya, itinaas sa full-alert status ngayong araw ang kanilang hanay kung saan siyamnapung porsyento ng kapulisan ang itatalaga sa posibleng paghagupit ng bagyo.
Nakahanda na rin ang kanilang search and rescue team lalo na ang mga kagamitan na gagamitin kung sakali mang kailanganin ang kanilang pag-responde.
Samantala, pinag-iingat naman ni PCapt. Caballero lahat ng mga byahero ngayong panahon ng bagyo na maging maingat lalo na ang mga kapulisan na itatalaga sa naturang paliparan.