Floating asset ng BFAR, dadagdagan pa

Manila, Philippines – Lalo pang palalakasin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang kampanya laban sa illegal fishing, seaborne research activities at rescue operations sa karagatan sa bansa.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, malaki aniya ang maitutulong ng dalawang units ng 50-Meter Steel Multi-Mission Offshore Vessels na sumasailalim na lamang sa finishing touches ng Josefa Slipways, Inc. San Roque, Navotas City.

Paliwanag ng opisyal ang dalawang patrol boat ay karagdagan sa 123 Floating Assets ng BFAR na nakadeploy sa iba’t ibang panig ng karagatan sa bansa.


Facebook Comments