Floating device, natagpuan ng mangingisda sa West Philippine Sea

Hihingi ng tulong ang National Coast Watch Center (NCWC) sa Department of Science and Technology – Advance Science Technological Institute (DOST-ASTI) para malaman kung anong klaseng “floating device” na gawa umano sa China ang natagpuan sa West Philippine Sea.

Ang kulay nito ay orange na hugis-bola na-retrieve ng mangingisdang si Randy Megu, na crew ng “FFB Legendary Joe” sa karagatan 70 milya sa timog-kanluran ng Bajo de Masinloc.

Boluntaryo nya itong i-turn over sa Northern Luzon Command (NOLCOM), na nakipag-ugnayan sa NCWC at National Mapping and Resource Information Agency (NAMRIA).


Ayon sa NAMRIA, ang device ay walang Global Positioning System (GPS), walang pangalan ng may-ari, at walang pang-angkla tulad ng mga normal na instrumentong ginagamit sa hydrographic survey.

Sinabi naman ni Lieutenant General Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr., Commander ng Northern Luzon Command, ang device ay natagpuan sa tulong rin ng kanilang Maritime Informant Network (MIN).

Siniguro ni Burgos na patuloy nilang palalakasin ang pagbabantay sa northern territorial borders ng bansa para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mangingisda at maitaguyod ang freedom of Navigation sa West Phil. Sea.

Facebook Comments