FLOATING STATUS | Mahigit 100 mga tiwaling pulis na iniharap kay Pangulong Duterte, mananatili sa floating status

Manila, Philippines – Sa kabila na iniharap na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit isang daang tiwaling pulis sa Malacañang kahapon mananatili pa rin ang mga ito sa floating status.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, ito ay dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service sa mga kaso ng mahigit isang daang pulis na ito.

Pagkatapos ng imbestigasyon bago lamang aniya matutukoy kung anong kaparusahan ang ipapataw sa kanila.


Tinitiyak naman ni Durana na maia-apply ng PNP ang bagong stratehiya ng PNP kaugnay sa internal cleansing program ito ay ang preventive, punitive at restorative.

Aniya, sa ilalim ng preventive approach, pipigilan ng PNP na may pulis na masasangkot sa anumang katiwalian.

Kabilang na dito ang pagsasagawa ng striktong background investigation sa mga nag apply pa lang sa pagka pulis.

Sa restorative approach isasalang sa spritual cleansing ang mga pulis na dating naiulat na gumagawa ng katiwalian.

Habang sa punitive approach naman, tiyak na paparusahan ang mga mapapatunayang sangkot sa katiwalian.
Una ng nabatid na kabilang sa mga iniharap kagabi na mga pulis scalawags ay mula National Capital Region, Central Luzon at CALABARZON.

Facebook Comments