Matapos ang dalawang linggong kanselasyon ng klase dulot ng sunod-sunod na bagyo at pagbaha, bumungad sa Balingit Constantino Lasip Elementary School ang masaklap na tanawin — putik, sirang kagamitan, at lubog na silid-aralan.
Sa kabila nito, agad nagsagawa ng Flood Brigada ang pamunuan ng paaralan kasama ang mga guro, kawani, magulang, at boluntaryo. Sama-samang nilinis ang paligid, inayos ang mga sirang gamit, at inihanda ang paaralan para sa ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral.
Ngayong Agosto 4, muling nagbukas ang paaralan. Masisilayan ang mga ngiti ng mga batang sabik mag-aral sa lugar na itinuturing nilang pangalawang tahanan.
Bagama’t may mga hamon pa rin, patuloy ang diwa ng bayanihan — patunay na kayang bumangon ng komunidad sa gitna ng sakuna.









