Flood control budget ng DPWH, MMDA at iba pang ahensya, dadaan sa butas ng karayom sa budget deliberation -Sen. Poe

Tiniyak ni Senator Grace Poe na hindi basta palulusutin ng Senado ang pondo para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Puna ni Poe, matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Carina at habagat ay nakitang hindi nagtutugma ang ibinigay na mataas na pondo para sa flood control projects sa matinding baha na naranasan sa Metro Manila.

Giit ng senadora, sa bawat pagpatak ng ulan ay hindi pala natutumbasan ang buwis na ibinabayad ng taxpayers.


Kinukwestyon ni Poe kung inanod na rin ba ng baha ang bilyon-bilyong pondo para sa flood mitigation.

Dahil dito, sisiguraduhin ng mambabatas na dadaan sa butas ng karayom ang flood control budget ng DPWH, MMDA at ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kasabay nito ay hinimok din ni Poe ang mga ahensya ng gobyerno at LGUs na tiyakin na ang mga gusali at iba pang infrastructure projects ay hindi nakaharang sa mga daanan ng tubig.

Facebook Comments