Flood control master plan ng pamahalaan, pinarirebisa ni PBBM

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensiya ng gobyerno na rebisahin ang flood control master plan ng pamahalaan.

Ito’y para maiwasang maulit ang trahedyang sinapit ng maraming biktima ng mga nagdaang bagyo.

Ayon sa pangulo, kailangang gumawa ng mga makabagong disenyo para sa proteksiyon ng mga kalsada at tulay, at tiyakin ng matibay ito at hindi basta-basta masisira ng epekto ng climate change.


Bukod dito, mainam din aniyang gawing standard operating procedure ang dahan-dahang pagpapalabas ng tubig mula sa mga dam kahit walang bagyo.

Agad ring pinaaayos ng pangulo sa DPWH ang nawasak na Bayuyungan Bridge at gumawa ng spillway habang inaayos ang tulay para may madaanan ang mga tao at mga kalakal.

Facebook Comments