Flood control mess, hindi lang kalat ng Malacañang kundi ng buong Pilipinas—Singson

Iginiit ni resigned Independent Commission for Infrastructure (ICI) Commisioner Rogelio “Babes” Singson na hindi lamang kalat ng Malacañang ang isyu ng flood control kundi kalat din umano sa buong bansa.

Ayon kay Singson, hindi naman umano ito mangyayari kung hindi nagsabwatan ang ilang ahensya ng gobyerno kabilang ang dati nitong pinamunuan na DPWH.

Samantala, nagbigay naman si Singson ng ilang bagay na kailangang taglayin ng hahalili sa maiiwan niyang puwesto sa flood control panel.

Sa ngayon ay wala pa namang naka-schedule na resource person ngayong araw para sa anomang pagdinig.

Facebook Comments