Flood Control Project ng DPWH-4th Engineering District, Patapos na

Cauayan City, Isabela- Nasa siyamnapung (90) porsyento na ang natatapos sa ipinapatayong flood control project sa Barangay Virgoneza, San Agustin Isabela.

Layunin ng nasabing proyekto na maibsan ang madalas na pagbaha sa naturang lugar na nagdudulot ng ilang pananim ng mga magsasaka naturang bayan.

Base sa report, naglaan ng P20 million ang DPWH para sa naturang proyekto na pakikinabangan ng mga residente.


Ayon kay OIC-Regional Director Loreta M. Malaluan, nasa higit sa 1,000 residente ang naninirahan malapit sa Cagayan river na magbebenepisyo sa naturang proyekto.

Maiibsan ng proyekto ang mapinsalang epekto sa tuwing may pagbaha at makapagbibigay rin ito ng patuloy na proteksyon sa buhay at ari-arian ng mga residente.

Facebook Comments