Natapos na ang konstruksyon ng flood control structure sa Brgy. Namaltugan, Sudipen, La Union na madalas makaranas ng pagbaha dahil sa pag-apaw ng Amburayan River.
Nagtagal ng walong buwan ang konstruksyon mula Abril hanggang Disyembre noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng P28. 9 million mula sa 2024 National Budget.
Dahil sa proyekto, inaasahan na mababawasan na ang pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan at kalamidad sa naturang lugar maging sa mga karatig barangay ng Old Central, Ilocano, at Ipet, Sudipen.
Patuloy ang pagsasakatuparan ng mga proyekto sa mga komunidad ng rehiyon upang magkaroon ng proteksyon sa banta ng anumang kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments