Flood control project sa Baganga, Davao Oriental, natapos na ng DPWH

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 220-lineal-meter concrete revetment wall.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, nasa ₱67.5 milyong pondo ang inilaan sa naturang pondo.

Nilagyan na rin ng DPWH ng 1.72 lineal kilometer na kanal para sa drainage, 696 na piraso ng hexapods para hindi masira ang pundasyon at 11 pirasong solar LED lights para naman sa kaligtasan ng mga motorista.


Ayon kay Bonoan, mabibigyang proteksyon laban sa pagbaha ang bayan ng Baganga.

Nagsimula ang proyekto noong Mayo 2023 at natapos noong Enero 2024.

Facebook Comments