Hindi na binabaha ang mga komunidad sa Balungao na malapit sa Cabalancian River dahil sa itinayong flood control project sa kabila ng naranasang pag-uulan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, pangmatagalang solusyon ang naturang proyekto sa Brgy. Kita-Kita dahil dumadaloy din sa bayan ang Banila at Matablang River.
Dahil dito protektado ang mga kabahayan at ilang sakahan mula sa malawakang pagbaha dahil sa posibleng pag-apaw ng ilog.
Noong 2024, itinayo ang 826 metrong slope na may kabuuang pondo na higit P182 milyon.
Sa kasalukuyan, ipinagpapasalamat ng mga residente ang benepisyong dulot ng imprastraktura.
Samantala, may mga umaapela naman na masemento rin ang kabilang bahagi ng komunidad na malapit din sa ilog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









