Natapos na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang konstruksyon ng isang flood control structure sa Barangay Talospatang Malasiqui.
Nagkakahalaga ito ng P9.5 milyon, na layuning protektahan ang mga komunidad at sakahan laban sa pagbaha.
Ayon kay DPWH Ilocos Region Information Officer Esperanza Tinaza, ang bagong proyekto sa flood mitigation ay dinisenyo upang maisaayos ang lugar at makaiwas sa pagbaha at hindi lubhang maapektuhan ang mga residente.

Paliwanag ni Tinaza, bago ang pagpapatupad ng proyekto, madalas umano ang pagguho ng lupa sa nasabing lugar, lalo na tuwing tag-ulan.
Ang pagtaas ng tubig umano sa Marusay River ay madalas magdulot ng pag-apaw, na sumisira sa estruktura ng lupa at nagdudulot ng panganib sa mga ari-arian, imprastruktura, at ani ng mga magsasaka.
Kabilang sa proyekto ang 77.60 lineal meters ng slope protection gamit ang Type-Z steel sheet piles, mga structural concrete works, isang revetment wall, at parapet wall sa itaas ng berm.
Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act ng 2025, ay sinimulan noong Pebrero 12, 2025, at matagumpay na natapos nitong Marso 13. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments