Flood control projects ng pamahalaan, paiimbestigahan na rin ng liderato ng Senado

Ipasisiyasat ni Senate President Chiz Escudero ang flood control projects ng pamahalaan matapos ang naranasang matinding pagbaha sa Metro Manila sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at ng habagat.

Punto ni Escudero, ngayong nasa ilalim ng “state of calamity” ang Metro Manila at kasalukuyang tinutugunan ng pamahalaan ang pinsala ng kalamidad, dapat din na alamin kung bakit sa higit isang dekada matapos ang Bagyong Ondoy ay patuloy na nararanasan ng bansa ang matinding pagbaha.

Nais ipasilip ni Escudero ang mga proyekto dahil bilyong piso ang alokasyon dito ng gobyerno.


Iginiit ni Escudero na makipagtulungan ang DPWH at MMDA sa mga lokal na pamahalaan para sa pag-iinspeksyon ng mga binahang lugar upang makapagrekomenda ng mga medium at long-term solutions para maiwasan at mapigilan ang pagbaha.

Kinuwestiyon din ng mambabatas ang pagiging epektibo ng mga hakbang sa pagpigil ng baha lalo’t ₱255 billion ang inilaan na flood control projects sa DPWH mula sa P5.768 trillion sa 2024 national budget.

Facebook Comments