Flood control projects, prayoridad na maiimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee

Kasama sa prayoridad na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang tungkol sa mga palpak at guni-guning flood control projects na matinding tinuligsa ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada, narinig niyang magsasagawa ng motu proprio investigation tungkol sa mga flood control projects si Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta.

Naniniwala si Estrada na makakatulong din sa imbestigasyon si Marcoleta na dating kongresista dahil maaaring kilala niya ang mga sinasabing congressman na kontraktor.

Dagdag din sa mga sisilipin ng makapangyarihang komite ang problema sa joint venture agreements ng mga water districts at mga water concessionaires.

Tiniyak naman ni Estrada na hindi magiging sakit ng ulo ng Marcos administration si Marcoleta at magiging patas at makatwiran ito sa mga gagawing imbestigasyon ng komite.

Facebook Comments