Flood control projects sa Naga City, lalaanan ng malaking budget sa susunod na taon

Malaking bahagi ng 2026 “allocable” budget ng lungsod ng Naga ang mapupunta umano sa flood control projects.
 
Ayon kay Naga City Mayor Leni Robredo, hindi man magandang pakinggan ang proyekto, mahalaga na mabigyan ng solusyon ang problema sa pagbaha sa lungsod upang hindi maantala ang pang-araw-araw na mga gawain ng Nagueños tuwing may malakas na pag-ulan.

Ani Robredo, hindi na muna magiging prayoridad ang pagpapatayo ng mga gusali ng lokal na pamahalaan at kaunti ang ilalaan na budget sa pagpapagawa ng mga kalsada.

Facebook Comments