Flood Control Projects sa panahon ng dating Duterte administration, posibleng masilip din ng binubuong independent commission

Hindi isinasara ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang posibilidad na maimbestigahan din ng binubuong independent commission ang mga flood control project nang nakaraang Duterte administration.

Sa panayam kay Bersamin matapos ang budget hearing para sa Office of the President (OP), iginiit niyang mahirap sabihin agad na isasama na sa iimbestigahan ang mga posibleng ghost projects ng nakaraang gobyernong Duterte.

Ayon kay Bersamin, national concern ang tungkol sa isyu ng flood control projects at kung sakaling may lumutang na usapin sa mga maanomalyang proyekto ng dating Duterte administration ay maaaring tugunan at isama ito sa imbestigasyon ng komisyon.

Gayunman, hindi pa nakukumpleto ang mga myembro ng independent commission na hiwalay na magiimbestiga sa maanomalyang flood control projects.

Tiniyak naman ni Bersamin na walang problema at maaaring ituloy ng Senado at Kamara ang hiwalay na imbestigasyon sa mga ghost projects dahil fact-finding naman ang magiging papel ng independent commission.

Facebook Comments