FLOOD CONTROL PROJECTS SA REHIYON II, INAASAHANG MAKAKATULONG

CAUAYAN CITY- Umaasa ang DPWH R02 na makakatulong ang mga naisakatuparang flood control projects sa Lambak ng Cagayan.

Ayon kay DPWH Director Reynaldo Alconcel, ang mga flood control projects ay isa sa mga kontribusyon ng ahensya upang maibsan ang epekto ng La Nina Phenomenon.

Layunin nito na laliman ang ilog upang mabilis ang pagdaloy ng tubig para hindi mahirapan pa ang mga mamamayan sa mga bahaing lugar.


Watch more balita here: CABAGAN-STA. MARIA BRIDGE, MALAPIT NG BUKSAN

Bukod sa flood control projects, nagtatag na rin ng proyektong drainage canal ang nasabing ahensya upang maiwasan ang pagbaha.

Samantala, umabot sa limangdaan at limampung proyekto ang naisakatuparan mula taong 2022 hanggang buwan ng Mayo taong kasalukuyan.

Facebook Comments