FLOOD CONTROL PROJECTS SA UNANG DISTRITO NG PANGASINAN MULA 2022, TINIYAK NA WALANG GHOST PROJECT

Kumpyansa ang kongresista mula sa unang distrito ng Pangasinan na walang ghost project at patuloy na napapakinabangan ng publiko ang mga flood control projects sa iba’t-ibang bayan simula 2022.

Sa ulat ni Congressman Arthur Celeste, nasa 46 flood control projects ang naitatag sa loob ng tatlong taon kabilang dito ang mga istruktura sa Agno, Alaminos, Burgos, Infanta at Dasol.

Bagaman hindi umano maipagkakaila ang pinsala sa mga proyekto dulot ng bagyong Emong, ongoing umano ang pagsasaayos sa mga ito at bahagi pa rin ng contractor warranty.

Hinihikayat ang mga residente na ipagbigay-alam sa email address na floodcontrolfirstdistrict@gmail.com ang obserbasyon sa mga proyektong pinaghihinalang may korapsyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments