
Zero budget na o wala nang ilalaang pondo para sa mga flood control projects sa ilalim ng panukalang 2026 national budget.
Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawang bahagi ng kaniyang ika-apat na podcast sa gitna rin ng mga nadiskubreng substandard at ghost flood control projects.
Ayon sa Pangulo, hindi na kasama ang flood control sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil mayroon pang ₱350 bilyon na alokasyon para rito mula sa 2025 na hindi pa nagagastos.
Tuloy-tuloy pa rin naman aniya ang mga proyekto kontra baha, pero dapat na maging maayos ang paggastos, disenyo, at implementasyon ng mga ito.
Giiit ng Pangulo, dapat tapusin ng mga kontratista ang kanilang mga proyekto nang naaayon sa specifications at sagutin ng mga ito ang gastos, bago makipag-usap muli ang gobyerno sa kanila.









