Flood control scandal, hindi dapat gamiting kondisyon sa pagsuporta sa impeachment complaint laban kay VP Sara

Ikinadismaya ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang pahayag ni Navotas City Representative Toby Tiangco na hindi sya pipirma sa bagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte hangga’t walang nahuhuling “big fish” o malaking personalidad na sangkot sa flood control scandal.

Para kay Tinio, ang argumento ni Tiangco ay parehong-pareho sa mga “DDS” o Die-hard Duterte Supporters na ginagamit ang flood control issue bilang pandepensa sa bise presidente.

Giit ni Tinio, dapat manaig ang pananagutan lalo’t hindi maliit na bagay ang alegasyong katiwalian laban kay VP Sara.

Binigyang-diin ni Tinio na lahat ng alegasyon ng korapsyon laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno ay dapat malalimang imbestigahan kasama dito ang umano’y iregularidad sa paggamit ni VP Sara sa pera ng taumbayan na kailangang seryosong aksyunan ng Kongreso.

Facebook Comments