Naka-preposition na ang P180 million na halaga ng relief supplies para sa buong Central Luzon ngayong tag-ulan.
Sa pamamahagi ng presidential assistance sa Aurora, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa na ang gobyerno para sa mga ganitong sitwasyon.
Maliban dito, kumpleto na rin ang Aguang River Flood Control Structure Project sa Baler, na makatutulong para mapigilan ang matinding pagbaha at malaking pinsala mula sa pag-apaw ng nasabing ilog.
Samantala, iniulat din ng pangulo ang iba pang proyekto sa Aurora kabilang ang pagpapa-semento ng kalsadang nag-uugnay sa mga taniman ng niyog mula sa bayan ng Dinalungan patungo sa iba’t ibang pamilihan.
Halos kalahati na aniya ang natapos sa higit P4 billion na Dingalan–Baler Road Project na magbibigay-daan sa mas mabilis na paghahatid ng kalakal, transportasyon, at mas masiglang turismo sa lalawigan.