Flood control structure sa Nueva Ecija, nakumpleto na ng DPWH

Photo Courtesy: DPWH Facebook Page

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang 295-meter flood control structure sa Barangay Sibut, San Jose sa Nueva Ecija.

Ang nasabing ₱44 million flood control structure na itinayo sa kahabaan ng Talavera River ay concrete protection wall na may pundasyon na bakal.

Naglagay rin ang DPWH ng spur dikes sa kahabaan ng concrete protection wall na siyang mag-iiwas sa baha papalayo sa river banks.


Ang naturang bagong gawang istraktura ay inaasahang makakapagpababa ng pinsala sa mga pananim at ari-arian sa lugar kapag may mga pagbaha at ulan.

Facebook Comments