FLOOD CONTROL STRUCTURES, PINABIBILIS NA ANG KONSTRUKSYON

CAUAYAN CITY – Pinabibilis na ng DPWH – Isabela First District Engineering Office (IFDEO) ang konstruksyon ng dalawang flood control structures sa Barangay Calamagui 2nd at Barangay Alinguigan 2nd sa Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Nasa 49.2% na ang natatapos sa Brgy. Calamagui 2nd kung saan ang nasabing konstruksyon ay mayroong 463-meter concrete wall at steel supports.

Samantala, nasa 60.10% na ang natatapos sa Brgy. Alinguigan 2nd kung saan mayroon itong 598-meter riverbank protection system.


Ayon kay District Engineer Deoferio P. Vehemente Jr., makatutulong ang mga nasabing flood control upang maiwasan ang riverbank at flood damage.

Nagsimula ang konstruksyon noong February 5, 2024 at inaasahang matatapos sa January sa susunod na taon.

Facebook Comments