FLOOD MANAGEMENT PLAN SA PANGASINAN, TITIYAKING WALANG GHOST PROJECT

Isang komprehensibong flood mitigation and management plan ang nakatakdang ilunsad sa lalawigan ng Pangasinan upang mas epektibong tugunan ang mga pagbaha.

Bahagi ng plano ang pagtatatag ng Provincial Flood Mitigation and Management Office na mangangasiwa sa koordinasyon at implementasyon ng mga proyekto.

Isasama sa plano ang mga umiiral na flood control projects na rerepasuhin at isasama sa mas malawak na master plan ng lalawigan.

Layunin nitong maiwasan ang pagdoble ng proyekto at masigurong epektibo ang paggamit ng pondo.

Tiniyak din ng mga opisyal na walang ghost projects na makakapasok.

Magkakaroon din ng mahigpit na monitoring, audit, at transparency measures upang masigurong kapaki-pakinabang ang lahat ng proyekto sa publiko.

Inaasahan naman na magiging minimal o halos walang gastos ito sa panig ng lalawigan, dahil sa tulong at pondo mula sa pambansang pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments