FLOODGATES SA DAGUPAN CITY, HILING NA MA-ITURN OVER ANG OPERASYON SA LGU

Hiling ngayon na maiturn over sa pangangasiwa ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng mga floodgates na meron sa lungsod ng Dagupan para makatulong pa sa pag-aalis ng tubig baha sa lungsod.
Bukod kasi sa mga kabi-kabilaang konstruksyon ng road elevation at drainages sa ilang bahagi ng lungsod ay nais din sana na mapunta sa pangangalaga ng LGU ang operasyon ng mga naturang flood gates.
Hindi naman kinukwestiyon ng LGU ang mga barangay na merong flood gates ang paraan ng kanilang pangangalaga at operasyon sa mga ito ngunit hiling lamang na ma-iturn over para sa mas maayos na pag-ooperate sa mga ito.

Tatlong flood gates meron ang Dagupan City, isa sa floodgates na yan ay makikita sa bahagi ng Poblacion Oeste. |ifmnews
Facebook Comments