Estados Unidos – Nagsagawa ang mga estudyante sa Estados Unidos ng walk-out bilang panawagan sa mahigpit na pagkontrol sa pagbebenta ng baril. Nabatid na ginawa ang walk-out eksaktong isang buwan matapos ang nangyaring school shooting sa Florida na ikinasawi ng 17 mag-aaral. Kabilang sa kanilang panawagan ay ang pagbabawal ng assault weapons, pagkakaroon ng universal background check sa mga bibili ng baril at magpasa ng batas na nagdidisarma sa mga tao na may mapanganib na ugali.
Facebook Comments