ARIZONA, UNITED STATES – Hindi itinago ni Scottsdale Mayor Jim Lane ang kaniyang inis at galit kay Floyd Mayweather Jr., at kaniyang mga kasamahan bunsod umano ng pagpa-party sa isang nightclub ng siyudad nitong Sabado.
“The images from Old Town Scottsdale this weekend are disturbing, and frankly show a real lack of common sense and civic responsibility,” giit ng alkalde sa ginawa nina Mayweather.
Umabot na sa 16,339 ang positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang siyudad, kung saan 800 na ang bilang ng mga nasawi.
Kahit bukas na ang ilang establisyimento roon, nilinaw ni Lane na delikado pa rin ang sitwasyon dulot ng patuloy na paglaganap ng kinatatakutang virus.
“Businesses and their patrons need to realize that individually we each play an absolute part in our own personal hygiene, distancing and health courtesies, and each of us also plays a significant part in our city’s health, both physically and economically,” ani opisyal.
Kaya naman panawagan ng alkalde, huwag maging pasaway at maging responsable ngayong panahon ng pandemya.
“Stay home if you are sick or have any symptoms of illness; wash or sanitize your hands frequently; stay six feet away from others wherever possible and cover your nose and mouth when you can’t keep your distance,” dagdag ni Lane.
Huling nakipagbakbakan si Mayweather noong Dec. 31, 2018, kung saan tinalo niya sa exhibition game si Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa.