Flying school na may-ari ng bumagsak na Cessna aircraft sa Pangsasinan, nagpaabot ng pakikiramay

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas Space and Aviation Academy Incorporated sa nasawing piloto at student pilot na sakay ng bumagsak na Cessna aircraft sa Lingayen, Pangasinan.

Ang Pilipinas Space and Aviation Academy Incorporated ang flying school na nagmamay-ari ng nasabing aircraft.

Sa kanilang Facebook post, humihingi ang flying school ng pang-unawa sa publiko at media na respetuhin muna ang privacy ng mga apektado ng insidente.

Patuloy anila silang nakipagtutulungan sa mga awtoridad para sa imbestigasyon kaugnay sa pagbagsak ng kanilang aircraft.

Habang umuusad ang imbestigasyon ay hindi muna pinapayagan ng Civil Aviation Authority of the Philippines na lumipad ang kahit anong aircraft na pag-aari ng Pilipinas Space and Aviation Academy Incorporated.

Facebook Comments