FM radio station Radyo Kidlat 98.5, pormal nang inilunsad sa Dapa, Surigao del Norte

Opisyal nang pinasinayaan ng Siargao Electric Cooperative ang FM radio station Radyo Kidlat 98.5 bilang inisyatibo upang mapaigting ang pagbibigay impormasyon sa Dapa, Surigao del Norte.

Pormal na dumalo dito si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na naganap ngayong araw (June 28).

Ayon kay Andanar, maituturing ang radio bilang best communicator dahil malaki ang nasasakop nito upang makapag-hatid impormasyon.


Sinuportahan naman ni SIARELCO General Manager and APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc ang inisyatibo at sinabing isinusulong na ng mga electric cooperatives sa bansa ang pagkakaroon ng sariling radio stations.

Ayon kay Dagooc, makaka-partner ng SIARELCO ang PCOO para sa paghahatid ng balita at updates kaugnay sa nangyayari sa buong bansa.

Facebook Comments