Bumaba ng 18.21% ang focus crimes na naitala mula Setyembre a-1 hanggang Disyembre a-19 ng taong kasalukuyan, kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, 10,268 insidente ang iniulat sa loob ng naturang panahon ngayong taon na mas mababa ng 2,286 na insidente sa 12,554 na insidenteng naitala sa parehong panahon noong 2022.
Base naman sa datos mula Enero 1 hanggang Disyembre 19, 37,089 insidente ng focus crimes ang naitala ng PNP na mas mababa ng 8.2% sa 40,411 insidente na iniulat sa parehong panahon noong 2022.
Ang 8 Focus Crime ay kinabibilangan ng theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery at homicide.