Focus crimes ngayong buwan ng Enero, bumaba ng 28%

Patuloy na bumababa ang krimen sa bansa.

Sa katunayan, bumaba ng 28% ang focus crimes mula January 1 – January 30, 2024.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Col. Jean Fajardo, 2,301 insidente ng focus crimes ang iniulat sa nabanggit na panahon na mas mababa sa 3,223 na iniulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft.

Ani Fajardo, ang patuloy na pagbaba ng krimen ay bunsod narin ng kooperasyon ng publiko sa mga otoridad.

Facebook Comments