FOCUS CRIMES SA PANGASINAN, BUMABA

Bumaba umano ang eight focus crimes sa lalawigan ng Pangasinan sa unang quarter ng taon ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PANGPPO).

Mula Enero 1 hanggang 31 ng Marso, mula 166 cases sa parehong panahon noong 2024, nasa 115 cases lamang ito.

Dagdag pa riyan ang datos ng murder mula 15 ay bumaba ito sa 7, samantalang ang rape, mula 83 bumagsak sa 41 kaso.

Ayon kay Pangasinan PPO Director PCol Rollyfer Capoquian, sadyang mataas umano ang kaso ng rape sa buong bansa, kung saan halos kaso ng incest ang mga ito.

Naka Heightened alert pa rin ang pambansang pulisya dahil sa election at nalalapit na semana santa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments