Focused agenda para sa mabilis, tunay at tapat na serbisyo ng mga kapulisan, inilunsad ng PNP

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang focused agenda o isang makabagong plano na may layon na gawing mabilis, tunay at tapat ang serbisyo ng kapulisan sa mamamayang Pilipino.

Ang pangunahing prayoridad ng nasabing agenda ay ang Management of Resources o ang pag-iigting sa wastong paggamit ng mga yaman ng organisasyon.

Kasunod nito ang Morale and Welfare o pagsusulong sa kapakanan at moral ng kapulisan at Enhanced Managing Police Operations o pagpapatibay ng operasyon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng pulisya.

Kasama rin dito ang Integrity monitoring o ang pagtitiyak sa pananagutan ng bawat ng antas at ang pinakahuli ang Active Community Support o ang pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan at ng mamamayan.

Ayon kay acting Chief PNP PltGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang nasabing agenda ay hindi lamang plano ng pamamahala kundi panata ito sa mga Pilipino.

Tiniyak naman ng PNP na sa bagong direkyon na ito ay mananatiling tapat na maglilingkod ang mga kapulisan sa bawat mamamayan ng bansa.

Facebook Comments