Ito ay upang tipunin at pag-usapan ang mga bagay at mahahalagang impormasyon para lalong mapaganda ang kanilang samahan at pamumuhay sa komunidad.
Sa pamamagitan ng FGD, maipapahayag ng mga FRs ang kanilang problema at suhesyon na hahanapan naman ng solusyon ng DOLE.
Mahigit 50 na dating rebelde na kumakatawan sa 17 associations ang nagbahagi ng kanilang hinaing at agarang pangangailangan para makamit ang maganda at maayos na pamumuhay na nararapat sa kanila.
Karamihan naman sa mga hinaing ng mga dating rebelde ay ukol sa kakulangan ng mga kasanayan at kakayahan kung kaya’y nahihirapan umano silang makahanap ng trabaho.
Ilan din sa kanilang idinulog ay ang kakulangan ng puhunan sa pagsisimula ng kanilang livelihood projects, poor transportation lalo na sa mga nasa kanayunan, at kakulangan ng kaalaman sa pamamahala ng organisasyon.
Sa panig naman ng DOLE sa pakikipagtulungan sa LGU San Mariano at PESO, tinalakay na rin ang mga ibibigay na tulong pangkabuhayan bilang tugon sa mga problema ng samahan ng mga FRs at tinuruan na rin ang mga kinatawan ng asosasyon na gumawa ng sarili nilang mga proposal letter para sa kanilang mga inilapit na hinaing.
Pero, kalakip ng tulong na ibibigay sa samahan ng mga dating rebelde ay kailangan muna nilang sumailalim sa Entrepreneurship Development Training (EDT) para maturuan ang mga ito sa tamang pamamahala ng kanilang sariling proyekto.
Samantala, mayroong 17 na proyektong ipinanukala ng 17 associations kung saan may P500K na kabuuang halaga ng bawat project proposal o kabuuang P8.5 million pesos na livelihood projects na isusumite sa regional office.